>

I have a friend, Jake, who’s 21. He was involved with Karen,21, who in the other hand has a live-in partner, Mark. One day, Jake came up to me and said, “Ate, buntis daw si Karen. Ako daw ang ama”. My first reaction was,“Ha? sigurado ka? Paano tayo makaksiguro niyan?”.

Paano nga ba? Mahal ang DNA testing. Ayaw ko rin mag rely sa isasagot nang Karen. Dahil malamang she’ll insist na si Jake ang ama. How can I trust her if she had a child from another man before Mark?…Then, she’s having an affair with Jake and is now pregnant!

Napaka careless na ata nang mga kabataan ngayon. Maraming pamilya ang nasisira dahil sa mga tuksong tulad ni Karen. Marami din ang mga batang ama at ina na hinde naman kayang alagaan ang kanilang anak…Ganun din inaaasa din sa kanilang magulang…At ang Iba pa kung kumilos akala mo walang anak.

Naitanong ko kay Jake. “Bakit naghahanap pa nang ibang lalaki si Karen eh may Mark na siya?”. Ang sagot, “Kasi nasasatisfy ko daw siya (Karen) at may pagkukulang na daw si Mark.”
Ang payo ko…at sana marinig din nang lahat…. “Ang pagkukulang nang isang tao ay hinde pwedeng punan nang iba..dahil hinde naman siya ang nagkulang eh…kung sino ang nagkulang, yun lang ang kayang mag puno…”

Kaya wala tayong dahilan mangaliwa kung yan ang rason natin.

Bilang asawa..at ina, gusto kong protektahan ang pamilya ko sa mga Karen na pwedeng sumira dito. Bakit ba may mga ganun tao? Naninira nang hinde naman kanila? Nakiki apid…Nakiki sawsaw sa kahit kapiranggot na pagmamahal…kung pagmamahal nga na maitatawag yun.

Hinde ba sila takot sa Dyos? Isa sa mga sampung utos ang bawal makiapid….

Nag rereflect ba dito ang moralidad nang ating society? Tanggap na ba ang ganitong sitwasyon? Ang pakikiapid? Papalabasin pa na ang Ina ang may kasalanan kung nangaliwa ang Ama.

nakaklungkot isipin na marami ang biktima sa ganitong sitwasyon…ako nga muntik na rin. Hangang ngayon galit pa rin ako sa babaeng yun. Sana dumating ang araw mag kita kami at harapan kong itatanong, “Anong pakiramdam nang isang MANLILIMOS?”.

About the author

Renz Mom to 2 beautiful girls, Peaches & Luzy. WAHM for 10 years and then I opened a small condo and office cleaning business. That's just the start. Follow me as I walk along my entrepreneurial journey. I hope you'll learn a thing or two from my experiences.

I will be HAPPY if you share this!Share on Facebook
Facebook
0Pin on Pinterest
Pinterest
0Tweet about this on Twitter
Twitter
Share on LinkedIn
Linkedin