>Kanina lang nakatitig ako sa monitor nagiisip nang maisusulat nagiisip nang tamang salita bigla ko silang naisip mga matagal ko nang kaibigan mga nakasama ko nang matagal pero sa ngayon hinde na kami nag kikita kita. SIguro dahil sa aming mga buhay buhay. pero kahit ganun naisip ko swerte ako dahil ang mga kaibigan kong ito kahit anung mangyari hinde ako iiwan sa ere. Kami yung tipong 48 years na hinde nag kita pero pag nagkitaan na…parang walang lumipas na panahon. Kasi lagi din naman namin naiisip ang isa’t-isa at sa kaibuturan nang puso at sa pinaka madilim na bahagi nang utak namin alam namin na magkakaibigan kami kahit anu pa man. Yung isa nga, kilala ko halos buong buhay ko. Kinder pa lang kami magkaibigan na kami. Wala pa kaming muwang sa mundo pero alam na naming magkaibigan kami hangang ngayon hinde namin kayang isiping iwanan ang bawat isa. swerte ko di ba? hinde lahat nang tao may ganung kaibigan. Sana sa mga magkakaibigan, sana wag nyo sayangin ang panahon na magkakasama kayo dahil malay ninyo… isa pa hinde ninyo hawak and tadhana….