>Nakakagigil talaga!!!!

>

Nakakagigil ang mag karon nang kapamilya na Parasite. Yung tipong sobra na kung maka huthot. Nakakainis. Hinde ko alam kung kanino magagalit, maiinis or maaawa. Meron ito isang kapatid ni Tatay…hinge nang hinge nang pera pang bili nang gamot daw. Hayyyy…eto naman si Tatay bigay agad..Hinde man lang iniisip ang Mommy ko. Siya hinde pa nabibilhan nang gamot niya…Inuna pa ang iba….Na sa pag kakaalam ko eh nang hinge na rin sa iba pa nilang kapatid….Anu ba yan! Sinong Hinde maiinis dyan? Nakakgigil!

Yung iba naman pati LUHO hinihinge sa Tatay ko…Iyak iyak…Paawa effect. Tatay ko naman naawa agad..ayan..bigay..bigay..bigay kahit wala na matira sa kanya. Grrrrrr!

Kaya ayan…namimihasa! ang gagaling!

hay anu ba yan! Pamilya kasi eh noh? Pero sana isipin din nila yung kalagayan ni Mommy ko.

Ahhhh..basta nakakagigil talaga. Sobra na. Ako awang awa na sa mga magulang ko. Sila mga pensionado…walang ginagawa pero nakaktangap nang pera.

Sana naman magkaron din sila nang konting HIYA.

yun lang..vent out ko lang yung sama nang loob ko.

This entry was posted in Uncategorized.

7 comments

  1. anna says:

    >naku renz, you're not alone. si papa din ganyan,eh he has 10 bros & sisses, na most of them malapit lang sa amin, as in neighbors. wala naman talaga masama sa pagtulong, kaso, talaga may mga ABUSO.

  2. Renz says:

    >@ anna… oo nga. ganun na nga ata talaga ang sistema nang mga pinoy families noh? do I sound so selfish ba? *sigh*eh as if naman kahit mag selfish ako…Tatay ko naman nag bibigay din.

  3. mari says:

    >hay naku renz… both ends naexperience ko naman… meron akong family members na ganyan tapos paghindi napagbigyan, kung anu-anong masasamang salita maririnig mo.on the other side naman, meron din yung walang suporta ni kusing. kalkulado ultimo singkong nabibigay (to think, nanay nya binibigyan nya!) kaya kung anuman ang sobra, masama rin 🙂

  4. anna says:

    >di naman selfish tawag dun siguro kasi we're just thinking for the welfare of our parents. pano naman sila, wala ng iniiwan for themselves. kaya tuloy tayo nag-iisip muna bago bigay ng bigay diba. like u want to give to your mother first before giving to others. kung baga family muna diba. naku baka napalala pa ata feelings mo. have a great sunday 🙂

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.