Marami ang mang gagawang Pilipino ang hindi nakapag tapos nang High School or College at sila ay hirap maka pasok sa maayos at stable na trabaho. Sa totoo lang, maraming dahilan bakit ganito ang karaniwang situation nang ating mga kababayan.

Ilan sa mga dahilan bakit mahirap maka pasok sa trabaho ang karaniwang Pilipono ay ang mga sumusunod:

  1. Hindi sapat ang kanilang skills o karunungan sa trabahong pinag aapplyan. Ang term dito, under qualified sa kung anong kadahilanan man at hindi necessarily dahil sa hindi ito nakapag tapos nang pag aaral.
  2. Hindi tama ang paraan nang pag apply o pag sunod sa instructions nang kumpanya kung paano ang tamang pag apply. Kadalasan, kulang sa reading comprehension o kulang sa pag intindi nang instructions dahil nag mamadaling makapag apply at hinde na binasa ang buong instructions.
  3. Mahina ang pangangatawan at maaring maging potential na problema ang health sa klase nang trabaho na inaapplyan. Aminin nating lahat na ang trabaho ay hinde para sa lahat, may mga pinipiling kakayahan at pangangatawan ang karamihan sa mga trabaho dito sa ating bansa.
  4. Malayo ang tinitirhan sa lugar nang pag ttrabahuhan. Kadalasan isa ito sa mga tinitingnan nang employer dahil magiging potential na problema ito kalaunan. Magiging rason sa late or absences, o di kaya magiging rason sa pag cash advance dahil naubos na ang sahod sa pamasahe.
  5. Hindi nagustuhan nang interviewer ang mga sagot sa tanong during phone or face to face interview. Most of the time, ang mga nag sasagawa nang interview ay gumawa na nang background check sa applikante bago pa ito ma interview para mas makilala ang nag apply at makita kung mag sasabi nang totoo ang applikante o ma clarify ang mga naisulat sa resume nito.
  6. Nalaman nang pinag applyan mo na hindi maganda ang naging relasyon mo o pakikisama mo sa huling kumpanya mo. Sabi ko nga, ang mga employers ay nag babackground check at inaalam kung bakit ka umalis sa huling trabaho mo, kadalasan tatawagan pa nila ang huling kumpanya para mag tanong kung kamusta ka bilang empleyado. Lalo na kung malaman nang pinag applyan mo na nag file ka nang reklamo sa DOLE o kung saan man laban sa kanila, natural walang kumpanya ang tatangap sa iyo kapag nalaman ito.
  7. Ang sahod na hinihingi mo ay mas mataas sa kayang i-offer nang pinag applyan mo. Kahit na may experience ka at skills sa position, kung ang kumpanya ay walang budget para sa sahod mo, mas pipiliin nilang mag hire nang baguhan at walang past experience pero natuturuan, halos lahat nang small to medium na negosyo sa Pilipinas ay nag titipid sa panahon ngayon at para mabuhay ang kumpanya, mas gustong mag turo nang baguhan kaysa sa may experience at mas mataas ang sahod.
  8. Edad. Aminin na rin natin na karamihan sa mga kumpanya hindi priority ang mag hire nang may edad na kasi mas maraming potential na problema ang dala nito tulad nang health problems. Mahirap din daw turuan kapag may edad na lalo na kung ang mga katrabaho mo ay mas bata sayo.
  9. Returning OFW. Maraming umaayaw mag bigay nang trabaho sa mga returning OFW dahil mataas ang hinihingi nilang sahod, may potential na gayahin ang business model dahil iniisip nang kumpanya na may kakayahang mag tayo nang negosyo ang isang returning OFW, walang sapat na kaalaman sa trabahong pinag applyan, etc.
  10. Kapansanan. Nakakalungkot isipin pero ito ang realidad sa ating bansa. Karamihan sa mga kababayan natin na may kapansanan ay mas hirap makapasok sa trabaho dahil mas priority nang isang kumpanya ang empleyado na walang kapansanan kesa sa meron.

Ang mga nabangit ko sa taas ay ilan lamang sa mga realidad na nangyayari sa ngayon kung ikaw ay isang applikante na hindi nakapag tapos nang pag aaral- High School man o College.

So, paano nga ba mag apply nang tama kung ikaw ay hindi nakapag tapos nang High School o College?

  1. Ayusin ang resume o bio data. Kung hindi ka marunong paano gumawa nang resume sa computer gamit ang MS Word, mag paturo sa kakilala. Kailangan mo yan bilang isang applikante. Sa ibang kumpanya, bio data sapat na pero kulang kasi ang impormasyon na kailangan nang kumpanya sa isang bio data. Kung marami kang kasabay na nag apply, maaring hindi na pansinin nang HR ang iyong bio data kumpara sa mga nag pasa nang resume.
  2. Mali ang paraan nang pag apply mo. Hindi ka talaga papansinin kung ang paraan nang pag apply mo ay mali. Mag tanong muna paano mag apply at kung saan pwede mag apply. Minsan may mga nag apply sa Facebook page nang mga kumpanya at ang kiniclick ninyo ay mga PAID ADS sa Facebook, malaking pag kakamali ito kasi mahal ang bayad nang mga kumpanya sa FACEBOOK ADS at dahil nag click at message ka, babayaran nila iyon.

    Mas mabuting dumerecho sa Facebook page nang pinag applyan at duon mag tanong huwag na huwag mag click at message sa Facebook Ads na naka sulat – SPONSORED. Yan ang sign na ang nakikita mong post ay PAID AD.
  3. Kung sa Facebook ka nag apply, siguraduhing ang pangalan mo ay ang tamang pangalan mo or at least nickname mo at last name. Huwag na huwag gumamit nang dummy account, special character sa pangalan, o kakaibang pangalan.
  4. Kung sa Facebook ka nag apply, ayusin ang profile picture mo dahil siguradong titingnan nang employer mo ang Facebook profile mo. Mas maganda ding ayusin ang mga posts mo sa timeline mo para maging ka aya aya sa employer.
  5. Laging mag sabi nang totoo during interview. Tandaan, nag background check na ang interviewer mo at may idea na sila sa dapat na isagot mo at minsan ang mga tanong ay test para malaman kung mag sasabi ka nang totoo o mag sisinungaling.
  6. Sa iyong resume, ilagay ang tamang cellphone number na mabilis kang matawagan nang employer para sa interview. Siguraduhing laging may signal at naka ON ang iyong cellphone kasi kapag tumawag at hindi ka nakasagot or walang signal, hindi ka bibigyan nang oras para habulin lalo na kung marami namang ibang applikante, so sinayang mo ang pag kakataon.
  7. Not following instructions. Kung may instructions nakalagay paano mag apply, basahin hangang dulo dahil kadalasan merong specific instructions na dapat sinusunod tulad nang pag lagay nang special words sa application email mo or application message. Halimbawa inatasan kayong mag lagay nang salitang “WORKER” sa message or email. Ito ay dahil gusto makita nang mag iinterview sino ang mga nag basa, naka intindi at sumunod. Lahat nang mga hindi nakasunod, TRASH na lahat nang resume ninyo. Sa dami nang nag apply, ito ay isang paraan para masala agad ang mga applikante. Kaya tandaan- MAGBASA hangang sa DULO.

Mahirap makapasok sa trabaho sa panahon ngayon nakapag tapos man o hindi. Ito ang masakit na realidad dahil sa pandemya. Maraming mga negosyo ang nag sara, marami ang nawalan nang trabaho at ngayon ay kasabayan mong nag hahanap.

Kung ikaw ay may trabaho pa ngayon, mahalin mo at mag sumikap ka. Konting pag intindi sa kumpanya na nag susumikap na bumangon at kumita. (Of course kung wala na sa lugar, hindi naman dapat mag tiis may mga tamang process tayo dyan).

Sana ay makatulong ang post na ito sa mga nag hahanap nang trabaho 🙂